Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang aabot sa ₱4.08 milyong halaga ng illegal drugs sa kampanya nito sa Barangay So-oc, Iloilo City nitong Biyernes ng madaling araw na ikinaaresto ng isang suspek.

Sa paunang report ng pulisya, hindi na muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng suspek habang iniimbestigahan ang kaso.

Sinabi ng Regional Police Drug Enforcement Unit na nakumpiska sa suspek ang 600 gramo ng pinaghihinalaang shabu.

Nasamsam din ang buy-bust money at iba pang non-drug evidence sa suspek.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“The arrested person is now under the custody of ICPS - 6 (Iloilo City Police Station - Arevalo) for proper disposition. He will be facing a case for violation of Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Act of 2002,” pahayag naman ng Police Regional Office Western Visayas.

 

PNA