CANDELARIA, Quezon - Patay ang isang babaeng senior citizen at limang apo matapos masunog ang kanilang bahay sa nasabing lugar nitong Sabado, Nobyembre 25 ng madaling araw.

Kasama sa mga nasawi si Delia Cruzat, 69; at magkakapatid na sina Darline Joy Quirrez, college student, 21, Princess Joy, estudyante, 16; Kylie Joy, 9; Tristan Jino, 10; at Crissa Joy, college student, 18.

Sugatan sa insidente ang ina ng magkakapatid na si Vangie Quirrez, 48, at Edna Cruzat, 37.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Candelaria, ang insidente ay naganap sa Kalye Ramos Street, Barangay Masalukot 1 nitong Sabado ng madaling araw.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa salaysay ng kapitbahay na si Anicia Corales, nakita niya ang mga pinsan nito na nakulong sa loob ng bahay habang nasusunog at nagpapasaklolo dakong 1:00 ng madaling araw.

Matapos ang mahigit isang oras ay tuluyan nang naapula ang sunog.

Sinisiyasat pa ng ng BFP ang insidente.