Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga - Halos ₱2 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Bataan kamakailan.

Sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Linggo, ang anti-illegal drug operations ay nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na pinaghihinalaang sangkot sa drug syndicate.

Sa unang operasyon, nasa 262 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱1,781,600 ang nasamsam sa dalawang high-value individual sa Balagtas, Bulacan.

Nasa 30 gramo naman ng illegal drugs na aabot sa ₱204,000 ang nahuli sa pag-iingat ng isang dalawang suspek sa Samal, Bataan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  (Republic Act 9165) ang mga suspek, ayon pa sa pulisya.