
(PCG/FB)
Senador, humirit na pauwiin na PH ambassador sa Beijing dahil sa Chinese harassment sa WPS
Humihirit ang isang senador na pauwiin na sa bansa ang ambassador ng Pilipinas sa Beijing kasunod na rin ng serye ng insidente ng harassment ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Sa isang television interview nitong Linggo ng gabi, ikinatwiran ni Senator Francis Tolentino, isa lamang ito sa hakbang ng gobyerno upang ipakita na seryoso ito sa pagkondena sa China.
Si Tolentino ay chairman ng Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.
Iginiit din nito sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-usap din ito Chinese ambassador na naka-base sa Pilipinas kaugnay ng usapin at sinabing panahon na upang idulog sa United Nations ang kontrobersya.
Nag-ugat ang hakbang nang harangin at bombahin ng tubig ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas na kasama sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kamakailan.