“Cloudy with a chance of glow ❇️”
Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng isang aurora na tila “sumasayaw” umano sa atmosphere ng Earth.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA nakuhanan ang larawan ng aurora matapos pumailanlang ang International Space Station (ISS) sa 260 milya (418 kilometro) ang layo sa itaas ng Utah sa panahon ng “orbital nighttime.”
“Auroras are brilliant ribbons of light weaving across Earth's northern or southern polar regions,” anang NASA sa naturang post.
“These natural light shows are caused by magnetic storms that have been triggered by solar activity, such as solar flares (explosions on the Sun) or coronal mass ejections (ejected gas bubbles). Energetic charged particles from these events are carried from the Sun by the solar wind,” dagdag pa nito.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbahagi naman ang NASA ng larawan ng spiral galaxy, kung saan nakitaan umano ito ng mga astronomer ng misteryo.