Milyun-milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa Zamboanga City kamakailan.

Sa paunang report ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga, kasama nila sa maritime patrol ang mga tauhan ng Zamboanga City Mobile Force Company nang sitahin nila isang bangkang may kargang mga sigarilyong nagkakahalaga ng mahigit sa ₱13.7 milyon sa karagatang bahagi ng Maasin, Zamboanga City nitong Nobyembre 6.

Ibibiyahe sana sa Zamboanga City ang kargamento na sakay ng bangka mula sa Jolo, Sulu nang masabat sila ng mga awtoridad.

Nilinaw ng BOC, walang maiharap na papeles ang mga tripulante ng bangka kaya't sinamsam ang kargamento.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"The vessel and the 240 master cases of cigarettes are currently under the custody of the BOC pending seizure and forfeiture proceedings and eventual disposal for the violation against the “Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations” of the National Tobacco Administration pursuant to Executive Order No. 245 and Section 1117 of the Republic Act No. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to Section 1113 paragraphs (f), (a), and (g)," pahayag pa ng BOC.