Umabot na sa 132 indibidwal ang nasawi sa Nepal dahil sa magnitude 5.6 na lindol na yumanig sa naturang bansa nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 3, ayon sa mga opisyal nitong Sabado, Nobyembre 4.

Sa tala ng US Geological Survey (USGS), nangyari ang lindol, na may lalim na 18 kilometro, dakong 11:47 ng gabi (1802 GMT) sa kanluran ng Himalayan country.

Sa ulat naman ng Agence France Presse, inihayag ng national police spokesperson na si Kuber Kathayat na bukod sa mga nasawi ay mahigit 100 katao pa umano ang naitalang nasugatan.

Namataan din umano ang mga gusali at bahay na gumuho at nasira ng lindol.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Samantala, inihayag ni Karnali Province police spokesman Gopal Chandra Bhattarai sa AFP na nagpapatuloy ang kanilang security forces sa pagsasagawa ng search and rescue operations.

Nagtungo naman umano si Nepalese Prime Minister Pushpa Kamal Dahal sa lugar na pininsala ng lindol, at nagpahayag ng pagkalungkot sa mga naapektuhan ng naturang pagyanig.