Naabo ang bahagi ng gusali ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Margarita, Samar matapos masunog nitong Huwebes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Comelec chairman Erwin Garcia nitong Biyernes at sinabing walang naapektuhang election results dahil naiproklama na lahat ng nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

"'Yung kopya ng certificate of canvass of votes, ang proclamation ng mga barangay at SK ay intact," ani Garcia.

Nitong Oktubre 30, idinaos ang BSK elections, maliban lamang sa pitong barangay sa Lanao del Sur at Samar na itinuloy ang halalan kinabukasan dahil na rin sa kaguluhan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian.