Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Isabela.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang Kalinga, Apayao at Cagayan Valley sa susunod na 24 oras dulot naman ng shearline.

Sa kabila nito, inabisuhan pa rin ng ahensya ang publiko na manatili pa ring nakatutok sa rainfall advisories nito.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na maliit ang pagkakataong mabuo bilang bagyo ang nasabing LPA.