Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pasahero ng barkong pag-aari ng 2GO Shipping Corporation matapos mahulog sa karagatang bahagi ng Calatagan, Batangas nitong Martes ng hapon.

Nitong Miyerkules ng umaga, itinuloy ng Coast Guard Sub Station (CGSS) Calatagan ang search and rescue operation sa nawawalang si Ralph Bernard Gerona, 26, taga-Iloilo City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa report, kabilang si Gerona sa 425 pasahero ng MV Maligaya na galing Maynila at patungong Bacolod.

Paliwanag ng PCG nitong Miyerkules, sinimulan nila ang paghahanap nitong Martes ng hapon matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng naganap insidente dakong 3:50 ng hapon ng Oktubre 31. Gayunman, nabigo silang mahanap ang naturang pasahero.

Tumutulong pa rin sa operasyon ang mga tauhan ng CGSS Lubang (Occidental Mindoro) sa pag-asang magkaroon ito ng positibong resulta.