LAGUNA - Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi, at anim ang sugatan nang salpukin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang dalawang tricycle sa Calamba City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang tatlong nasawi ay nakilalang sina Gilbert Palupit, tricycle driver, 35; Aileen Palupit, 34, at Ma. Aleisha Gale, pawang taga-Barangay Real, Calamba City.

Sugatan naman sina Akisha Gillen Palupit, 10; Allysa Joy Palupit, 12, at Ayesha Gillian Palupit, 9, pawang taga-nasabi ring lugar; John Rey San Juan, tricycle driver, Myla Alorro, kapwa taga-Nagcarlan, Laguna at Clay John Tianzon na pasahero ng SUV.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa report ng Calamba City Police, ang insidente ay naganap sa National highway, Brgy. Bucal dakong 3:30 ng madaling araw.

Sakay ng dalawang tricycle ang mga biktimang patungo sana sa Brgy. Pansol mula sa Brgy. Halang nang maganap ang aksidente.

Bigla na lamang sumalpok sa dalawang tricycle ang kasalubong na SUV na minamaneho ni Alyssa Mae Abitria.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Abitria na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries, at damage to property.