Nakahanda na ang ipamamahaging ayuda para sa maaapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Facebook post ng DSWD-Western Visayas Field Office-5 (Bicol Region), kabilang sa ipamamahagi ang 4,500 family food packs at non-relief items.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang relief goods ay ikinalat na sa munisipyo ng Bulusan, Juban, Irosin, Bulan, Barcelona sa Sorsogon.

Katwiran ng DSWD, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno sa posibleng pagtindi ng pag-aalburoto ng bulkan.

Sa pahayag naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala sila ng limang pagyanig ng bulkan sa nakaraang 24 oras.

Nagbuga rin ito ng 248 tonelada ng sulfur dioxide nitong Oktubre 27, bukod pa ang pinakawalang puting usok na umabot sa 100 metro bago tangayin ng hangin pa-timog kanluran.

Ipinatutupad pa rin ang Level 1 na alert status ng bulkan.