Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

CEBU CITY - Mag-aalok na ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng ₱20 kada kilong bigas.

Ito ang isinapubliko ni Governor Gwendolyn Garcia nitong Huwebes at sinabing maglalaan sila ng ₱100 milyon para sa implementasyon ng proyekto.

Ang nasabing pondo aniya ay ibibili ng bigas sa National Food Authority (NFA) na ibebenta naman sa 51 local government units.

Isasabay aniya ito sa paglulunsad ng Sugbo Merkadong Barato (Cebu cheap market) project sa mga naturang bayan kung saan makabibili ng abot-kayang produkto.

Ang proyekto ay katulad ng Kadiwa ng Pangulo project ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung saan makabibili ng abot-kayang sariwang agricultural products.

"We would be selling rice at a loss if only to give the Cebuanos more spending capacity during this time of high inflation,” dagdag pa ni Garcia.

PNA