Nailigtas ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 30 pasahero ng isang barkong sumadsad sa Cebu kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa social media post ng PN, patungo na sana sa Iloilo ang MV Filipinas Butuan, sakay ang 30 pasahero nang biglang magkaaberya sa bahagi ng karagatang sakop ng Sta. Fe, Bantayan Island sa Cebu nitong Oktubre 23.

 

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagsagawa ng rescue operation ang mga miyembro ng Naval Forces Central at PCG sa mga nasabing pasahero.

Ang mga pasahero ay dinala sa Iloilo City pier kung saan sumalalim sa medical check-up upang matiyak na maayos ang kanilang kondisyon.