Tumaas ang kaso ng dengue sa Quezon City, ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU).

Sa datos ng QCESU, tumaas ngn 184 ang kaso ng sakit sa lungsod nitong Oktubre 14, 2023.

Mas mataas ng 6.82 porsyento ang kaso kumpara sa naitala nitong Oktubre 7.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Dahil dito, nakikipagtulungan na ang QCESU sa mga opisyal ng iba't ibang barangay upang mapigilan ang pagtaas ng kaso nito sa pamamagitan ng health education at fogging operations.

Nanawagan din ang QCESU na agad na magtungo sa ospital o health center sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.