Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa nag-viral na pasyente at PhilHealth member na nasawi bago pa man mailipat ng ibang ospital upang maoperahan, dahil hindi raw na-avail ang benepisyo nito.
Sa nasabing viral na post, ibinahagi ng biyudang si Maria Lourdes Sulit na nasawi ang kaniyang mister na si Marvin Sulit noong Huwebes, Hunyo 4, nang hindi nagamit ang mga benepisyong kaniyang binayaran at pinagtrabahuhan sa higit 25 taon.
“I was only asking for the benefits that my husband spent more than 25 years contributing to. He was a lifelong member. He paid faithfully throughout his working years. The hospital denied him treatment because we could not immediately produce the required amount. Then, after his death, #PhilHealth denied him benefits because he had been confined for less than 24 hours,” saad ni Maria sa kaniyang post noong Sabado, Hunyo 13.
“My husband had died. I was grieving. Yet all I heard were explanations about policies and payments,” dagdag pa niya.
TUGON NG PHILHEALTH
Kaya nitong umaga ng Linggo, Hunyo 14, ibinahagi ng PhilHealth sa kanilang pahayag na agad na silang nakipag-ugnayan kay Maria upang maipahatid ang kanilang pakikisimpatya at mga kakailanganing suporta.
“PhilHealth immediately mobilized, upon learning of the incident, to understand and address the situation. We have since reached out to the member’s wife and have agreed on the next steps as we explore all avenues of support,” saad ng ahensya.
Sa kasalukuyan din, binanggit ng PhilHealth na nakikipag-ugnayan na sila sa mga ospital upang mas maintindihan ang naging pangyayari at sitwasyon bilang parte ng kanilang suporta at pagpapabuti ng kanilang pagresponde.
“We are likewise coordinating with the hospitals to understand the circumstances of the situation, as part of our efforts to improve PhilHealth’s responsiveness,” saad ng PhilHealth.
Sa pagtatapos ng pahayag, tiniyak ng PhilHealth na nakahanda silang tumugon sa kanilang mga miyembro at mga pangangailangan ng mga ito.
“Please know that PhilHealth will always stand with our members, especially in their time of need,” pagtitiyak ng PhilHealth.