Noong Hunyo 8, 2026 nang yumanig ang magnitude 7.8 sa Sarangani kung saan maraming residente, negosyante, at estudyante ang naapektuhan nito.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang mapaminsalang lindol sa naturang lugar bandang 7:37 ng umaga at naramdaman ito maging sa iba pang mga karatig-lugar o bayan.
Dahil dito, inapela ni si Senador Kiko Pangilinan noong Hunyo 10 sa agarang paglalaan ng karagdagang ₱15 bilyong pondo para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao upang ilaan daw para sa rehabilitasyon, recovery, repair, at reconstruction efforts.
MAKI-BALITA: Sen. Kiko, isinusulong ₱15B pondo para sa mga apektado ng lindol!
Ani Pangilinan, sa ilalim raw ito ng Senate Bill No. 2259 kung saan hinihiling nila ang supplemental appropriation na ₱15 bilyon para sa fiscal year 2026.
"Ang prayoridad natin sa gitna ng sakunang ito ay ang kapakanan ng ating mga kababayan sa Mindanao—na sila ay maging ligtas, magkaroon ng sapat na tulong mula sa gobyerno, at nawa’y makabalik muli sa kanilang normal na buhay at hanapbuhay sa pinaka-madaling panahon," ayon pa sa senador.
PAANO NGA BA HAHATIIN ANG NATURANG PONDO SAKALING MAAPRUBAHAN?
DEPARTMENT OF AGRICULTURE - ₱2 BILYON
Para sa mga irrigation system at ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
DEPARTMENT OF EDUCATION - ₱2 BILYON
Para sa mga school building
SA MGA APEKTADONG LOCAL GOVERNMENT UNITS - ₱2 BILYON
Para sa mga community infrastructure tulad ng tulay, public markets, evacuation centers, barangay facilities, atbp., at mga community-based recovery program.
DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT AT NATIONAL HOUSING AUTHORITY - ₱2 BILYON
Para sa relocation sites, temporary at permanent housing units, repair assistance, at iba pang shelter recovery interventions.
DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT - ₱1.5 BILYON
Para sa ayuda at social protection interventions sa mga naapektuhan ng lindol.
DEPARTMENT OF HEALTH - ₱1.5 BILYON
Para sa mga ospital at health facilities ng DOH at pagbili ng health equipment at medical supplies.
DOH AT MGA KAUKULANG LOCAL GOVERNMENT UNITS - ₱1 BILYON
Para sa mga lokal na health facility.
DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS - ₱1 BILYON
Para sa mga kalsada, tulay, gusali ng pamahalaan, at iba pang pampublikong imprastraktura.
STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES - ₱1 BILYON
Para sa mga pasilidad ng paaralan.
DEPARTMENT OF TRANSPORTATION - ₱500 MILYON
Para sa mga paliparan, pantalan, terminal, access roads, at iba pang transport facilities.
DEPARTMENT OF ENERGY - ₱500 MILYON
Para sa electrification infrastructure.
KAUGNAY NA BALITA: ‘The Big One,’ bakit dapat katakutan at paghandaan?