Nagpatawag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng isang Congress special session na isasagawa sa darating na Miyerkules, Hunyo 17.
Batay sa Proclamation No. 1318, na inisyu nitong Lunes, Hunyo 15, layon ng naturang special session na dagliang ikonsidera ang pagpapasa ng ilang priority legislative measures na may kinalaman sa social protection at pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.
Adhikain din ng nasabing sesyon na hayaan ang Commission on Appointments na mag-convene sa mga appointments ng gabinete—na nakasaad sa Konstitusyon at mga umiiral na batas.
Photo courtesy: PCO
Matatandaang bago ang anunsyong ito, sinabi na ng Palasyo kamakailan na ayon kay PBBM, magtatawag lamang ito ng isang special session kung magkakasundo na ang mga mambabatas sa Senado.
“Sa ngayon po ay fina-finalize pa po [ang special session] pero ang gusto po ng Pangulo ay mauna ang Senado na magkasundo dahil kahit sabihin natin na mayroong hiling ang Pangulo para sa isang special session, kung sila mismo po ay hindi magkakasundo, mababalewala po ang naisin ng Pangulo,” saad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa kaniyang press briefing kamakailan.
MAKI-BALITA: PBBM, nais munang magkasundo mga senador para maganap ang 'special session'-Balita