July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Gurong bet bumembang, itinali at saka pinainom ng muriatic acid ng Grade 12 student!

Gurong bet bumembang, itinali at saka pinainom ng muriatic acid ng Grade 12 student!
Photo courtesy: Unsplash

Patay na nang natagpuan ng mga awtoridad ang isang guro na miyembro umano ng LGBTQIA+ community, nang respondehan nila ito sa loob ng kaniyang bahay sa Bacolod City.

Ayon sa mga ulat, isang 24 taong gulang na Grade 12 student ang nasa likod sa pagpaslang sa biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na mismong ang biktima ang nagpapunta sa suspek sa kaniyang bahay upang makipag-inuman. Malapit umano ang dalawa dahil nagtatrabaho rin umano ang suspek bilang water delivery boy para sa biktima.

Ayon sa pulisya, matapos mag-inuman, nagkasundo raw ang suspek at biktima na gawin ang kanilang “exciting part,” kung saan itinali ng suspek ang guro.

Subalit, kalaunan ay hindi umano nagkasundo ang dalawa, dahilan upang bugbugin ng suspek ang biktima habang nakatali.

Probinsya

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City

Narekober din sa crime scene ang bote ng muriatic acid na pinaniniwalaang ipinainom ng suspek sa biktima.

Samantala, matapos ang krimen, sinubukan pa umanong tumakas ng suspek subalit hindi siya kaagad nakalabas sa bahay ng biktima. Nang dumating ang mga awtoridad, kaagad umanong nagtago ang suspek sa ilalim ng lamesa sa loob ng bahay ng biktima, kung saan kaagad siyang naaresto.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at hindi umano nila inaalis ang posibilidad ng relasyon ng suspek at bitima.