Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Davao Occidental nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nangyari ang lindol bandang 10:19 ng gabi ngayong Huwebes sa Balut Island na matatagpuan sa munisipalidad ng Sarangani sa Davao Occidental.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Wala rin anila inaasahang pinsala at aftershocks.