Nakumpiska ng pulisya ang mahigit sa ₱10 milyong halaga ng illegal drugs sa ikinasang operasyon Estancia, Iloilo nitong Biyernes na ikinaaresto ng dalawang suspek.

Hawak na ng pulisya ang dalawang suspek--ang isa ay taga-Novaliches, Quezon City habang ang kasabwat ay taga-Barangay Gogo, Estancia.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay Estancia Police chief, Lt. Renzo Martinez, ang dalawang suspek ay inaresto sa Brgy. Tacbuyan dakong 6:10 ng umaga matapos mabisto ang kanilang bitbit na 1.6 kilo ng pinaghihinalaang shabu na ide-deliver sana sa kanilang buyer na taga-Iloilo City.

Paliwanag ni Martinez, dumayo sa lugar ang isa sa suspek mula sa Manila upang magbenta ng ipinagbabawal na gamot.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

PNA