Umabot na sa 33 ang nasawi sa kaso ng leptospirosis sa Ilocos Region ngayong taon.

Sa pahayag ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD)-Region 1, kabilang sa mga binawian ng buhay ang 17 sa Pangasinan, walo sa La Union, pito sa Ilocos Sur at isa sa Ilocos Norte.

Sa pulong balitaan nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis, nasa 221 na rin ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan simula Enero hanggang Setyembre 16.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ito ay mas mataas ng 106 porsyento kumpara sa naitalang 107 kaso sa kaparehong panahon noong 2022.

“Nagkaroon ng mas maraming bagyo at mas maraming pagbaha at kapag may pagbaha ay increased ang exposure sa pagbaha o contaminated environment kaya tumataas risk na magkaroon ng leptospirosis,” sabi pa ni Bobis. 

PNA