Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tinatayang aabot sa ₱224,000 halaga ng illegal na tabla ang nasamsam ng mga awtoridad sa San Fernando, Romblon kamakailan.

Sa social media post ng Coast Guard Station Romblon, dakong 9:30 ng umaga nitong Setyembre 24, nakatanggap ng ulat ang Philippine Coast Guard (PCG) mula sa CG Intelligence Unit na nagsasabing isang motorized-banca ang nakatakdang bumiyahe patungong Hintutulo, Masbate, sakay ang mga illegal na pinutol na tabla.

Dahil dito, naglunsad ng operasyon ang CG Sub-Station Cajidiocan at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sibuyan at inabangan ang pagdating ng nasabing bangkang "Saint Mary 2" sa Barangay Taclobo nitong Setyembre 25 ng madaling araw.

Matapos maharang, kaagad na ininspeksyon ang bangka at natuklasan ang mga tabla.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang bangka at kargang good lumber na nagkakahalaga ng ₱224,000 matapos mabigong magharap ng dokumento ang may-ari nito na si Amabli Ruado, Jr.

Nahaharap na si Ruado sa kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).