Umaabot sa 2,000 residente ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) sa malawakang pagbaha sa Zamboanga City kamakailan.

Sa social media post ng PN, kaagad silang nagpadala ng mga tauhan sa mga binahang Barangay Guiwan, Tumaga, Santa Maria at Tugbungan upang sagipin ang mga apektadong residente.

Tumulong sa operasyon ang City Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection, at Brgy. Local Government Unit.

Bago ang malawakang pagbaha, nakaranas ng matinding pag-ulan sa lungsod lugar bunsod ng intertropical convergence zone.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ilikas ang mga residente, kaagad silang inayudahan ng City Social Welfare Development Office na patuloy na nagbabantay sa sitwasyon.