Napatay ang dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) at naaresto naman ang isa nilang kasamahan matapos lumaban sa mga sundalo sa Placer, Masbate nitong Huwebes.

Sa panayam, kinilala ni 9th Infantry Division (ID) Public Affairs Office chief, Maj. Frank Roldan, ang dalawang nasawi na sina Javier Villegas, alyas "Dodo" at Imee Villegas, alyas "Inday" na kapwa kaanib ng Platoon 1, Komiteng Larangang Guerilla, Sub-Regional Committee 4.

Nasa kustodiya na ng militar ang isa pang miyembro ng kilusan na si George Basagre.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa ulat ng militar, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng namataang grupo ng NPA sa Barangay Nainday.

Umabot ng 10 minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at 2nd Infantry Brigade ng Philippine Army na ikinasawi ng dalawang miyembro ng kilusan.

“Recovered during the encounter were an M653 rifle, caliber .38 revolver, short and long steel magazine, cellphone, subversive documents, and personal belongings of the rebels," sabi pa ni Roldan. 

PNA