Delfin Albano, Isabela — Nailigtas ang dalawang menor de edad habang tatlong suspek ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Ragan Sur, dito.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Levi S. Ortiz ang mga suspek na sina Emerzon, 19; John Russel Saquing, 20; Janmark Apostol, 21.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dinala naman ang dalawang menor de edad sa local Social Welfare Development officer para sa counseling at debriefing.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 805 gramo ng dried marijuana leaves na may tinatayang market value na P96,600, drug paraphernalia, apat na cellphone, at buy-bust money.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.