Naharang ng mga awtoridad ang isang barko na may lulang puslit na produktong petrolyo sa Zamboanga City kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Huwebes lamang isinapubliko ang operasyon na isinagawa pa ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-PoZ), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), at Coast Guard Inspector General-Southwestern Mindanao (CGIG-SWM) sa Barangay Cawit nitong Setyembre 9.

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang BOC kaugnay ng ibibiyaheng smuggled na diesel mula sa Taganak Island, Tawi-Tawi patungong Zamboanga City.

Sa imbentaryo ng BOC, tinatayang aabot sa 89,600 litrong diesel na nagkakahalaga ng ₱5.8 milyon ang nasamsam habang idinidiskarga mula sa  sa nasabing daungan.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong tripulante at kapitan ng sasakyang pandaga