Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagkaroon pa ng 239 rockfall events ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala rin ang 17 pagyanig ng bulkan at dalawang pyroclastic density current (PDC) events.

Naobserbahan din ang lava flow nito na umabot ng 3.4 kilometro sa bahagi ng Bonga Gully.

Umabot naman sa 2.8 kilometro ang naapektuhan ng pagdaloy ng lava sa Mi-isi Gully, bukod pa ang 1.1 kilometrong paggapang ng lava sa Basud Gully.

Nitong Setyembre 10, nagbuga rin ang bulkan ng 1,017 tonelada ng sulfur dioxide.

Ipinaiiral pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.