Nasamsam ng mga awtoridad ang mga pampasabog ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) matapos ituro ng isang dating rebelde ang imbakan ng kanilang armas sa Baggao, Cagayan kamakailan.

Sa social media post ng Cagayan Provincial Information Office, walong piraso ng improvised explosive device (IED) ang natagpuan ng pulisya at militar sa Barangay Agaman Norte nitong Martes, Setyembre 5.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang mga narekober na pampasabog ay nasa kustodiya na ng Cagayan Police Provincial Office-Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Regional Office (PRO)-Region 2 Acting Director Brig. Gen. Christopher Birung, suportado ng taumbayan ang mga awtoridad sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.