Anim na umano'y biktima ng human trafficking ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Tawi-Tawi habang sakay ng isang barko patungong Malaysia kamakailan.

Hindi na binanggit ng PCG ang pagkakakilanlan ng mga biktima na binubuo ng apat na babae at dalawang lalaki.

Nasagip ang mga ito habang sakay ng MV Evergreen of Asia sa karagatang bahagi ng Bongao nitong Setyembre 1.

Nang imbestigahan ng Municipal Inter-Agency Committee on Anti-trafficking (MIACAT) sa Bongao, inamin ng mga ito na umalis sila sa Port of Siasi, Sulu patungong Tawi-Tawi kung saan sila sasakay sa barko pa-Kunak at Kota Kinabalu, Malaysia sa pamamagitan ng paggamit ng backdoor channel sa sa kabila ng kawalan ng dokumento.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala na Ministry of Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang mga biktima upang isailalim sa counselling at stress debriefing.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.