Nakapagtala pa ng 12 pagyanig ang Taal Volcano sa nakaraang 24 oras.

Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing pagyanig ay tumagal ng tatlong minuto.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbuga ng 1,141 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Agosto 24.

Nagkaroon naman ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Sinabayan din ito ng ibinugang puting usok na umabot sa 300 metrong taas bago tangayin ng hangin pa-hilagang silangan.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Daang Kastila fissures.

Hindi rin pinapayagan ang publiko na manatili sa lawa ng bulkan dahil sa nakaambang phreatic explosions at pagbuga ng abo.