Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 tripulante matapos na sumadsad ang sinasakyang cargo vessel sa Barangay Ilijan, Batangas City nitong Agosto 30.

Nasa ligtas nang kalagayan ang mga tripulante na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan. 

Sa initial investigation ng PCG, patungo na sa Manila Bay ang naturang barko mula sa Brooke's Point sa Palawan, dala ang heavy equipment nang maganap ang insidente dakong 2:28 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tinangay ng malakas na hangin ang barko habang naghahanap ng anchorage area hanggang sa sumadsad sa naturang lugar.

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG sa 12 tripulante.

Ipinahila rin ng PCG ang barko patungong Landoor Pier sa Barangay San Juan, Batangas City para isailalim sa safety inspection at imbestigasyon.