Nagbitiw na sa puwesto si Quezon City Police District (QCPD) chief, Brig. Gen. Nicolas Torre III matapos magpa-press conference nitong Agosto 27, kasama ang suspek sa road rage incident sa lungsod kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng heneral nitong Miyerkules at sinabing isinumite na nito ang resignation letter sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Paliwanag ni Torre, iniiwasan lamang niyang madamay sa usapin ang PNP.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Epektibo aniya ang pagbibitiw nito sa Huwebes, Agosto 31.

Humingi rin ng paumanhin si Torre at nagsisisi sa pagpapatawag ng presscon sa QCPD headquarters kung saan humarap ang suspek na si Wilfredo Gonzales na dating pulis at sinibak sa serbisyo dahil umano sa patung-patong na kaso.

Matatandaang naging kontrobersyal si Gonzales matapos kumalat sa social media ang video ng pagbunot nito ng baril na ikinasa habang kinakastigo ang isang siklista na nakaalitan nito sa trapiko sa Welcome Rotonda sa boundary ng Maynila at Quezon City nitong Agosto 8.