Ipinadala na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga relief goods para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Goring sa Cagayan.

Sa Facebook post ng DSWD, kumilos na ang mga tauhan nito sa Aparri, Gattaran at Alcala upang maipamahagi kaagad ang mga family food packs sa mga binahang residente at nawalan ng bahay dulot ng bagyo.

Ang libu-libong relief goods ay mula sa mga bodega ng ahensya sa Tuguegarao City, at Lal-lo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Paliwanag pa ng ahensya, dadagdagan pa ang nasabing tulong para sa naturang lalawigan sakaling kapusin ito.

Matatandaang kabilang ang Cagayan sa tinamaan ng super bagyo nitong Sabado.