July 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking ‘in heat,' binembang aso ng kainuman!

Lalaking ‘in heat,' binembang aso ng kainuman!
Photo courtesy: Unsplash

Kalaboso ang isang 50 taong gulang na lalaki matapos umano niyang gawan ng kahalayan ang isang alagang aso sa Tacloban City.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, inimbitahan ng amo ng aso ang suspek na pumunta sa kanilang bahay para makipag-inuman.

Sa gitna ng kanilang inuman, nagpaalam umano ang suspek na gagamit muna siya ng banyo, subalit hindi na raw ito bumalik. Ilang sandali pa, narinig na raw ang pag-iyak ng biktimang aso.

Ayon pa sa mga awtoridad, isang Dachshund na babae ang alagang asong biniktima ng suspek. 

Dahil umano sa walang-tigil na pag-iyak ng aso, tinunton ng mga amo ang kanilang alaga hanggang sa maaktuhan nila na nakapasok umano ang ari ng suspek sa maselang bahagi ng katawan ng Dachshund.

Probinsya

Kawatan, tiklo matapos maligo sa bahay na pagnanakawan niya!

Mabilis na kinompronta ng amo ng aso ang suspek at agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad. 

Batay sa imbestigasyon, nagtamo ng pinsala ang maselang bahagi ng aso dahil sa pwersahang pagpasok ng ari ng suspek sa loob nito.

Samantala, mabilis namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa  Republic Act 8485, na inamyendahan ng Republic Act 10631, o mas kilala sa tawag na  Animal Welfare Act.