MALVAR, Batangas — Patay sa suntok ang isang 34-anyos na lalaki sa Barangay San Pioquinto rito, nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 21.

Kinilala ng Malvar Police ang biktima na si Mark Jefferson Reyes, binata; at ang suspek na si Jefferson Macarilay, 36, binata, at kapuwa residente sa nasabing barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa pagsisiyasat, nauwi sa suntukan ang mainitang pagtatalo nina Reyes at Macarilay. Nagpakawala umano ng sunud-sunod na suntok ang suspek at napuruhan sa ulo ang biktima.

Isinugod sa Daniel Mercado Medical Center ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Naaresto naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nasa kustodiya ng Malvar Police, at sasampahan ng piskalya ng reklamong kriminal para sa homicide.