Simula ngayon, Agosto 14, ang pang-umagang Zipper Lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City ay magkakaroon na ng panibagong exit point pabalik ng Commonwealth Westbound. 

Ito ay sa tapat ng Petron at DBP sa bahagi ng Philcoa.

Sa abiso ng QC government, kung kayo ay nasa Zipper Lane at tutungong Elliptical Road, dumiretso lang at lagpasan ang U-Turn slot sa tapat ng UP Techno Hub. 

Ang nasabing bagong exit point ay halos katapat ng kasalukuyang exit point pa-kaliwa patungong University Avenue at C.P. Garcia.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Panawagan ng local government ng lungsod, sundan lamang ang mga directional signages ng QC Traffic and Transportation Management Department (TTMD) upang hindi na maabala.