July 21, 2026

Home BALITA Metro

7-anyos na lalaki, patay matapos maanod, malunod sa ilog sa QC

7-anyos na lalaki, patay matapos maanod, malunod sa ilog sa QC
Photo courtesy: MB


Patay ang isang 7-anyos na lalaki matapos malunod at anurin ng rumaragasang tubig sa Dario River sa Barangay Bahay Toro, Quezon City noong gabi ng Lunes, Hulyo 6.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sinubukang kuhain ng bata—na pinangalanang si Joven Asuncion—ang “string” ng kaniyang saranggola ngunit nadulas ito sa ilog.

Nakakapit pa raw ang bata sa isang maliit na puno at nakahingi pa ng tulong—ngunit inanod din ng rumaragasang tubig bunsod ng malakas na agos nito.

Natagpuan ang katawan ng bata matapos ang labindalawang-oras nitong umaga ng Martes. Hulyo 7 sa San Juan River sa Barangay Apolonio Samson, nang ito ay makita ng ilang “junk collectors.”

Bago pa matagpuan ang bata, buong gabi ang ikinasang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Barangay Bahay Toro upang mahanap ang katawan nito.

Metro

MMDA, nagbabala sa pagkalat ng NCAP text, website scam



Samantala, nagsagawa naman ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa naganap na insidente.