Naglunsad ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) upang matukoy ang dahilan ng paglubog ng isang bangkang de-motor sa katubigang sakop ng Corcuera, Romblon nitong Sabado, Agosto 5, kung saan isang pasahero umano ang nasawi.

Base umano sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, inihayag ng kapitan ng bangka na si Jose Moreno Sr. na lumubog ito matapos mabangga sa isang kahoy.

“As per boat captain, Mr. Jose Moreno Sr., MBCA KING STO. NIÑO 7 submerged due to a direct hit from solid wood at the port side,” anang PCG.

Bagama't hindi binanggit kung saan nanggaling ang kahoy, sinabi rin ng PCG na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sakay umano ng 96 maximum capacity na nasabing pampasaherong bangka ang 95 indibidwal kabilang na ang limang tripulante, at isang motorsiklo, nang mangyari ang insidente.

Nasagip umano ang 89 pasahero at limang tripulante, habang nasawi raw ang isa dahil sa cardiac arrest.

MAKI-BALITA: Bangkang de-motor sa Romblon lumubog, isa nasawi