Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang pangalan ni BFR-Region 2 director Chief Supt. Rizalde Manabat Castro sa panghihingi ng pera sa rehiyon.

Sa social media post ng BFP, bukod sa pag-so-solicit, humihingi rin ng mobile load at iba pa ang mga scammer.

Itinanggi rin ng ahensya na may kinalaman si Castro sa nasabing iligal na gawain na nakapanloko na sa mga indibidwal at ilang entity sa rehiyon.

"We strongly advise all individuals and organizations to exercise caution and vigilance when approached by anyone claiming to represent CSupt. Rizalde Manabat Castro or the BFR-Region 2," pahayag pa ng BFP.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol