
(Solano Police Station/FB)
Wanted sa illegal drugs, dinakma sa N. Vizcaya
Dinakip ng pulisya ang isang wanted sa kasong may kinalaman sa illegal drugs matapos matiktikan sa Solano, Nueva Vizcaya kamakailan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusadong hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.
Sa Facebook post ng Solano Municipal Police Station, inaresto ang akusado sa Barangay Osmeña nitong Agosto 4, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Cauayan City, Isabela Regional Trial Court Branch 19 Judge Mary Jane Socan-Soriano sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.