Nasa 248 pang pagyanig ang naitala sa Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sunud-sunod na pagyanig ay nairekord mula Biyernes ng madaling araw hanggang Sabado ng madaling araw.

Nagkaroon din ng 112 rockfall events at limang pyroclastic density current (PDC) events.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gumapang din ang ibinugang lava ng bulkan hanggang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at umabot naman sa 3.4 kilometro ang pagragasa nito sa Bonga Gully.

Nagpakawala rin ito ng 1,602 tonelada ng sulfur dioxide nitong Agosto 4. Naobserbahan din ang katamtamang pagsingaw ng bulkan na tinangay ng hangin pa-silangan hilagang silangan.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang paglapit o pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagbuga ng lava at mga tipak ng bato.