
(Department of Agriculture-Cordillera/FB)
₱22M fertilizer aid, ipinamahagi sa mga magsasaka sa Apayao -- DA
Mahigit na sa ₱22 milyong fertilizer discount vouchers (FDVs) ang ipinamahagi sa mga magsasaka sa Apayao nitong nakaraang buwan.
Sa social media post ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR), layunin ng pamamahagi ng FDV na sumasagana ang rice production sa lalawigan.
Ayon sa DA, bahagi lamang ito ng kanilang Rice Program na matagal nang ipinatutupad .
Isinagawa ang distribusyon ng FDVs sa anim na lugar sa Apayao -- Conner, Luna, Calanasan, Kabugao, Pudtol at Sta. Marcela nitong Hulyo 17-21.
Idinagdag pa ng DA, nasa 7,321 na fertilizer discount vouchers ang naipamahagi na nila sa Apayao ngayong tag-ulan.