Nasa 60 pasahero at pitong tripulante ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa papalubog na bangka sa karagatang bahagi ng Polillo, Quezon nitong Huwebes.

Dakong 10:00 ng umaga nang umalis sa Patnanungan Port ang pampasaherong Jovelle Express 3 patungong Real, Quezon.

Gayunman, pagdating sa bahagi ng Barangay Macnit, Polillo, biglang nabangga ng isang matigas na bagay ang unahang bahagi ng bangka na naging dahilan ng pagpasok ng tubig.

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na ipinadala ng Coast Guard ang kanilang Deployable Response Group sa pinangyarihan ng insidente upang tumulong sa rescue operation.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad na dinala sa barangay hall ng Macnit ang mga nailigtas at hinihintay na lamang ang bangkang maghahatid sa kanila sa Real, Quezon