MABALACAT, PAMPANGA — Nabuwag ang isang drug den habang apat na indibidwal naman ang naaresto kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dau dito, nitong Miyerkules, Agosto 2.

Kinilala ng mga awtoridad mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga Provincial Office ang mga suspect na sina Mary Ann Aquino, Emmanuel Gaddi y Exconde, Kenneth Dionisio, at Aries Austriaco, na lahat ay taga-Mabalacat Pampanga.

Nasamsam sa mga suspek ang limana maliliit na plastic transparent sachet na naglalaman ng hindi bababa sa 10 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalagang P68,000, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabas sa RA 1965 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol