Nahuli ng mga awtoridad ang isang suspek na pinaniniwalaang responsable sa pagnanakaw kamakailan sa isang convenience store sa Sto. Tomas, Pampanga noong Martes, Hulyo 25. 

Nagsagawa ng mususing imbestigasyon ang Sto. Tomas Police kung saan humantong ito sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kinilala ni Police Capt. Jester Calis ang suspek na si Eddie Mutya, 25.

Dati na siyang naaresto noong 2017 dahil sa pagnanakaw at noong 2020 dahil sa carnapping. 

Nakuha kay Mutya ang ninakaw na pera na nagkakahalagang P3,310, powdered milk na halagang P1,656, at cigarette products na nagkakahalagang P11,263. 

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sto. Tomas Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa insidente ng pagnanakaw.