Idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City sa darating na Lunes, Hulyo 24, upang bigyang-daan umano ang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Hulyo 18, binanggit ng lokal na pamahalaan ng QC ang Executive Order No. 23 bilang basehan umano ng suspensyon ng klase.

Gaganapin ang ikalawang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa QC.

“Bagamat bakasyon na ang ibang klase, may Summer Classes naman na maaapektuhan dahil sa pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod,” pahayag ng QC LGU.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Wala pa naman anunsyo hinggil sa mga isasarang kalsada sa araw ng SONA.