Isang babae ang patay nang mabagsakan ng malaking bato ang kanilang tahanan sa Antipolo City nitong Sabado matapos na gumuho ang isang bahagi ng burol dahil sa malalakas na pag-ulan.

Naisugod pa ng rescue team sa Rizal Provincial Hospital Annex III ang biktimang si Catalie Perez Diongco ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang landslide sa tahanan ng biktima sa Sitio Puting Bato 1, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.

Mag-isa umano ang biktima sa kanilang bahay at mahimbing pang natutulog, nang bigla na lang gumuho ang isang lumambot na bahagi ng burol sa lugar.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dahil dito, nabagsakan ng malaking bato ang bahay na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.