Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na magpagawa ng dike laban sa banta ng lahar mula sa Bulkang Mayon.

Nakapaloob ang nasabing hakbang sa nakatakdang post-recovery program ng lalawigan kasunod ng halos dalawang buwan na pag-aalburoto bulkan.

Nauna nang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posibleng rumagasa ang lahar mula sa bulkan sakaling makaranas ng matinding pag-ulan.

Binanggit din ng ahensya, aabot na sa 11 milyong cubic meters ang ibinugang volcanic materials ng Mayon mula nang tumindi ang pag-aalburoto nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa isinagawang post recovery cluster meeting, tinalakay din ang pagsasaayos ng mga paaralan at evacuation center na una nang ginamit na pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.