Camp Gen. Paciano Rizal, Laguna - Arestado ang isang guro na tinaguriang most wanted person sa regional level sa manhunt operation sa Barangay Laguan, Rizal kamakailan.

Hindi na binanggit ng pulisya ang pagkakakilanlan ng akusado sa hindi malaman na dahilan.

Inaresto ang akusado sa naturang lugar nitong Hunyo 23 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Family Court City of Calamba, Laguna Branch 8 Judge Ave Zurbito-Alba, sa kasong rape na paglabag sa Republic Act 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995), ayon kay Laguna Police director Col. Randy Glenn Silvio.

Under custody na ng Rizal Municipal Police station ang akusado.
Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!